May 5, 2024

Mike Tyson, uupak kontra Roy Jones Jr sa September 12

Mike ‘Iron’ Tyson at Roy Jones Jr.

Sa wakas, may makakalaban na si heavyweight boxing legend Mike ‘Iron’ Tyson sa kanyang pagbabalik sa lona. Makahaharap ng 54-anyos si boxing legend Roy Jones Jr.

Nagretiro si Tyson noong 2005 sa boxing pagkatapos ng back-to-back defeats kay Danny Williams at Kevin McBride. Ang pagbabalik ni Tyson ay bahagi lamang ng serye ng sasabakang exhibitions fights.

Kabilang na nga sa potensiyal na opponent nito si boxing legend Evander Holyfield. Gayunman, iniulat ni Kevin Iole ng Yahoo Sports na haharap si Jones kay Tyson via eight-round exhibition bout.

Ayon pa kay Iole, idaraos ang Tyson-Jones bout sa California at tapok din sa laban ang ‘boxer vs MMA fighter’ bilang undercard. Ayon naman sa ulat ng TMZ, idaraos ang megabout sa September 12 na tatawaging “Frontline Battle”.