May 4, 2024

MIKE TYSON, GUSTONG MAKALABAN SINA HOLYFIELD, LEWIS AT TYSON FURY NGAYONG TAON

Nais ni “Iron” Mike Tyson na lumabang muli sa boxing ring bago tuluyang magretiro. Unang napaulat na maglalaban sila ni Evander Holyfield sa May 9.

Ngunit, wala pang opisyal na announcement tungkol dito. Pinaplantsa pa lang umano ng Team Holyfield ang negosasyon para maisakatuparan ang laban.

Isa rin sa nais makaharap ng tinaguriang ‘The Baddest Man on Planet” si Lennox Lewis. Gayundin si British heavyweight boxing champion Tyson Fury.

 “I want Holyfield and I want Lennox Lewis this year.I want both of them, I want to get them both this year. I also want to box an exhibition with Tyson Fury,” ani Tyson sa kanyang HotBoxin Podcast.

“This is a wrap, I’m just gonna live life. And that’s just exhibitions. I’m gonna break all my professional true records with exhibitions,” aniya

Noong 1996, natalo si Tyson kay Holyfield sa loob ng 11 rounds. Makalipas ang isang taon, muli silang nagharap.Naging kontrobersiyal ang bout dahil sa pagkagat ni Tyson sa tainga ni “The Real Deal”. Na-disqualified si Tyson dahil dito.