May 17, 2024

MIKA REYES, NAGPALAMBAT SA PLDT HIGH SPEED HITTERS

Sumalang si volleybelle Mika Reyes sa PLDT Home Fibre team na ‘High Speed Hitters’. Kinumpirma mismo ito ng may hawak sa kanya na ‘Virtual Management’.


Kaya, ang PLDT ang ika-fifth club tem ng 4-time PSL Best Middle Blocker. Sa loob ng 7 taon, naglaro si Reyes sa 4 teams. Kabilang na rito ang Meralco, F2 Logistics, Petron at Sta.Lucia.


Pahayag ni Mika, nalungkot talaga siya nang sabihin ng Sta.Lucia na di ito sasalang sa PVL. Hindi nila ito inaasahan nang magpatawag ng meeting noong December. Kaya, nabuwag ang line-up ng team at napunta sa iba.


New team, fresh start pero same goal pa rin naman kahit san ako magpunta, to learn as much as I can and be able to contribute in any way I can,” ani Mika. Sa kanyang pagkakasalang sa PLDT, gagamitin ni Mika ang jersey no. 3. Ang numerong ginamit niya noong naglalaro pa siya sa DLSU Lady Spikers.