May 20, 2024

MIKA REYES, NAG-IISIP KUNG SAANG TEAM SIYA SA PVL MAGLALARO

Nag-iisip pa si volleybelle Mika Reyes kung saang team maglalaro sa PVL Open Conference. Ito’y matapos magpasya ang kanyang team na Sta. Lucia Lady Realtors na huwag munang sumali sa liga sa February 16. Naging free agent siya matapos inanunsiyo ng team ang tungkol dito.

Ayon sa Virtual Playground management, nakikipag-ugnayan na si Mika sa ilang teams. Malamang na inaanunsiyo na niya sa mga susunod na araw kung saan siya maglalaro.


“She is looking for a team where she can fit. She will announce her new team soon,” ayon sa Virtual.