Sorpresang binisita ni Mika Reyes ng PLDT High Speed Hitters ang national U-17 volleyball team. Ayon sa U-17 squad team manager Jose Montalbo, dumalaw sa training facility si Reyes. Ito ay nang magtungo siya sa Bacolod City sa Negros Occidental.
Aniya, tuwang-tuwa ang mga volleybelles sa pagbisitang iyon ni Mika. Nagbigay din siya ng maikling inspirational talk. Gayundin ang pagpapakuha ng larawan kasama nila.
“The players were glad to see Mika. She also gave a short inspirational talk and also have photo opportunity with the players,” sabi ni Montalbo.
Naghahanda ang Philippine Squad sa 14th Asian Women’s U-17 Volleyball Championships. Ito ay idaraos sa Thailand ngayong taon.
More Stories
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na
2025 Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge susulong sa Peb. 2