May 9, 2024

ARWIND SANTOS, SUPORTADO ANG UNITEAM

Suportado ni Arwind Santos ng NorthPort Batang Pier ang ‘Uniteam’. Kabilang lamang siya sa mga atletang supporters ng BBM-Sarah tandem. Katunayan, dumalo ang Batang Pier veteran forward sa idinaos na rally ng Uniteam sa Pampanga.

May in-upload din siyang isang video sa Twitter. Kung saan, umakyat pa siya sa stage ng campaign sorties.

UNITEAMRALLY IN PAMPANGA WOW!!!” caption ni Arwind sa kanyang post. Suportado din ng cager ang kandidatura ni Governor Dennis ‘Boss Delta’ Pineda sa Pampanga. Si Pineda na Converge’s team consultant ay tumatakbo sa ilalim ng Uniteam Party.