May 15, 2024

MIGUEL TANFELIX, FEEL MAKA-TRABAHO SI KISSES DELAVIN

Excited na ang mga fans nina Miguel Tanfelix at Kisses Delavin kung kailan sila magsasama sa isang project series under GMA-7. Wala pang ibinibigay ang nasabing network kung sino ang magiging leading lady ni Miguel pero masaya raw siya kung matutuloy ang project niya na kapartner ang actress dahil first time niya ito makakasama if ever.

Sa kampo ng ng binata, okay lang na makasama niya si Kisses. Pero kung si Kyline Alcantara ulit ang makakasama niya, ano kaya ang reaction niya?

Nagsimula raw silang nagkasama sa teleserye ni Kyline, sa ‘Kambal Karibal’ at madalas naman sa prod ng ‘All-Out Sunday.’ Meron din daw silang gagawing pelikula na ang title ay ‘The Brave Firely.’

“Gamay na kaming dalawa kaya, walang problema sa amin. Wala namang problema sa aming mga fans, mauunawaan nila kung sa iba naman kami tumambal,” sabi ni Miguel.

Malinaw na okay lang sa kanya na magkasama sila ni Kisses sa isang proyekto. Pero ang tanong, may offer ba talagang magkakasama sila? ‘Pag nagkataon ay tiyak na aabangan ito ng kani-kanilang mga tagahanga, dahil bagay naman silang dalawa at parehong may kilig factor pa ang mga ito.