May 18, 2024

LIZQUEN, WALANG PLANONG IWAN ANG ABS-CBN

Marami ang nanghihinayang kung hindi talaga nila kayang iwan ang ABS-CBN para lumipat sa ibang TV Network na ang offer na Talent Fee sa kanila ay triple ang taas. Kung sabagay, may Digital Platform naman ang Kapamilya Network na pwede rin nilang labasan. Pero iba pa rin ang free TV dahil madali nilang maaabot doon ang kanilang mga fans.

Loyalty ang pinanghahawakan nina Liza Soberano at Enrique Gil, kaya hindi nila magawang tanggapin ang mga alok ng GMA-7 at Kapatid TV5. Wala pa rin daw go signal ang ABS-CBN na tumanggap sila ng mga project mula sa ibang network. Sila pa rin kasi ang may hawak sa LizQuen loveteam kaya iginagalang nila kung ano man ang maging desisyon ng ABS.

Kaso, paano kung abutin ng matagalan ang shutdown? Ano na ang mangyayari sa kanilang loveteam? Bakit hindi pa payagang makawala ang LizQuen sa bakuran ng Kapamilya Network? Pati nga ang kanilang teleserye ay nadamay na natanggal, kung kelan pa naman na humahatak na ito nang napakaraming televiewers.

Ano nga ba ang plano ng ABS-CBN? May plano pa ba talaga? Sayang kasi dahil matetengga lang ang career ng dalawang aktor kung hindi nila ito bibigyan ng aksyon. Kung dahil sa loyalty rin naman ang pag-uusapan, sobra-sobra na ang ibinigay ng LizQuen. Pero kung iyan talaga ang desisyon nila, sino ba naman ang makakahadlang kung talagang ayaw nilang lumipat?