
Hindi rin nagpahuli si Michele Gumabao sa mga sports icon na nagpamalas ng pagiging ‘Good Samaritan’. Katunayan, abala ngayon ang volleybelle-beauty queen sa pagtulong sa mga nasalanta ng typhoon Odette.
Nakatanggap ng ayuda ang mga nabiktima mula sa Creamlie Cool Smashers player. Unang nakatanggap ng tulong ang mga nasalanta sa Visayas region.
Nitong Lunes, ibinahagi ng Creamline Cool Smashers volleybelle ang pagsisimula ng kanilang pag-ayuda sa Visayas na isa sa mga nasalanta ng bagyo.
“First day of our week-long donation drive for #BANGONBISAYA. This initiative is led by KKDAT together with other Lingkod Bayan advocacy groups,” wika ng beauty queen.
“We will be personally distributing everything together with the help of our Philippine National Police in the following weeks. Let’s continue to pray for our kababayans,” dagdag pa nito.
More Stories
Pia Cayetano misyong palaganapin ang sport na padel sa buong bansa
Pinoy Inumerable, Kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Tilt
MVP Smart PAI national tryouts.. ANG GARA NG PH QTS NI GARRA PARA SA MALAYSIA TILT