May 16, 2024

IBA’T IBANG SAMAHAN, NANUMPA SA AKOOFW PARTYLIST

Sabayang nanumpa ng pagsuporta ang mga chapter leader at mga miyembro ng iba’t ibang organisasyon sa AKOOFW Partylist para maipanalo sa 2022 elections.

Isinagawa rin ang oathtaking ng mga opisyales ng AKOOFW NCR chapters sa Advocates Thanksgiving day kahapon (Dec. 19) sa Matandang Balara Covered Court sa Quezon City.

Kabilang sa nanumpa  si Crisanto Franza bilang chairman ng AKOOFW Brgy. Balara chapter. Si Crisanto ay kapatid ng butihing Barangay Chairman ng Matandang Balara na si Allan Franza.

Ayon kay Dok Chie Umandap, AKOOFW first nominee, malaking tulong ang suporta ng mga chapters at  parallel group para sa ikatatagumpay ng partido na maisulong ang mga kapakanan at  karapatan ng mga OFW, veteran OFWs at mga pamilya nito.

Isinusulong  ng AKOOFW ang OFW Hospital ward sa lahat ng regional hospital, OFW Pension Plan, OFW Pa-bahay, OFW Discount benefits at OFW Advisory Council  para sa mas mabilis na ugnayan at pagtulong sa mga OFW at kanilang pamilya sa panahon ng pangangailangan.