
Bilang isang atleta, suportado ni Michele Gumabao ang pambato ng ‘Uniteam’ sa 2022 national elections. Inihayag niya ito sa pamamagitan ng unique fashion. Nag-upload ang volleybelle at former beauty queen ng isang photo sa kanyang social media account.
Kung saan, makikita sa kanyang daliri na may kulay na red at green na polish. Na siyang tanda ng kanyang pagsuporta kay presidential bet Bongbong Marcos. At sa vice presidential bet Sara Duterte.
Ang kulay pula at berde ang siyang official color motif ng ‘Uniteam’. Si Gumabao ay kasama sa kamig ng party-list na ‘MOCHA’. Na ngangahulugang ” Mothers for Change’ kasama si Mocha Uson.
“We all have a choice, we can all make a stand,” ani Gumabao.
“Respect one another’s decision and together let’s pray for a safe and fair election. I stand united,” post nito.
More Stories
Johann Chua wagi sa all-Filipino finals ng 2025 9-Ball 99 David Loman Cup
TNT vs Rain or Shine, Ginebra vs San Miguel muling magsasagupa
RR Pogoy, susi sa panalo ng TNT