May 12, 2024

Miami Heat, inihaw ang Boston Celtics sa Game 2 East finals

MIAMI (AFP) – Muling nanaig ang sa Game 2 ng Eastern Conference finals ang Miami Heat. Inihaw ng Heat ang Boston Celtics, 106-101.

Bumida sa panalo ng Miami si Goran Gragic na naglista ng 25 points, 3 boards at 5 assists. Nagdagdag naman si Bam Adebayo na nagtala ng 21 points, 10 boards at 4 assists.

Nag-ambag naman si Jimmy Butler ng 14 points, 4 boards at 3 assists.

”We came here to these playoffs trying to win a championship,” ani Adebayo.

We keep stacking these wins and hopefully we get to that point.”

Impresibo ang ginawang paghabol ng Heat sa 17 point deficit second quarter. Lamang pa ng 13 points ang Celtics sa halftime, 60-47.

Nahabol ng Heat ang Boston ay lumamang pa kaagahan ng fourth quarter. Nagawang lumamang uli ng Celtics, 94-89, may 4:25 na lamang ang nalalabi sa regulation.

Ngunit, muling nabawi ang Heat ang kalamangan, 105-95 sa 1:42 remaining sa regulation.

”We like to make it hard for ourselves,” ani Butler.

”You get to the conference finals, it’s not all about you,” ani Heat coach Erik Spoelstra. “Boston had a lot to say about how that first half was going. That was them putting us on our heels,” aniya.

Sa panig naman ng Boston, gumawa si Kemba Walker ng 27 poijts, 7 boards at 3 assists. Nagdagdag naman si Jayson Tatum ng 21 points, 5 boards at 4 assists.