April 27, 2024

MIAMI HEAT, GUSTONG LAMBATIN SINA DURANT, MITCHELL AT IRVING

Heat pulling out all the stops for Kevin Durant or Donovan Mitchell trade

May masterplan ang Miami Heat upang maisakatuparan ang isang misyon. Ang muling pumalaot sa NBA Finals at makopo ang kampeonato. Kaya naman, may inilalatag silang hakbang upang makuha ang akmang piyesa. Na isang matikas na pagbalasa sa line-up upang mapalakas.

Ayon sa source, may niluluto ang team na lambatin ang ilang star players. Kabilang na rito sina Kevin Durant, Donovan Mitchell at Kyrie Irving.

Maaaring maisakatuparan ito sa ilalatag na trade. Ibubuhos umano ng Heat ang ilang future draft picks para maging kapalit ng mga ito.

Gayunman, kung sa ibang players na iti-trade, wala pang detalye kung sino ang isasalang. Wala pang pahayag ang Brooklyn Nets at Utah Jazz hinggil sa development na ito. Kaugnay dito, nauna nang nagparamdam ang San Antonio Spurs na interesado sila sa tatlong players.