May 2, 2024

MIAMI HEAT, BINARBEKYU ANG 76ERS SA GAME 1

Binarbekyu ng Miami Heat ang Philadelphia 76ers sa Game 1 ng East semifinals,106-92. Rumatsada ang Heat ng pulled away sa 2nd half upang talunin ang 76ers. Nagsanib puwersa sina Tyler Herro at Bam Adembayo para ibigay sa Miami ang panalo.

Nagtala si Herro ng 25 points at 5 assists. Habang si Adebayo ay bumira ng 24 points, 12 boards at 4 assists. Kahit may iniinda, bumanat ng 15 points, 9 boards at 3 assists si Jimmy Butler.

Sa panig naman ng 76ers, nanguna sa opensa ng team si Tobias Harris. Pumukol si Harris ng 27 points at 6 boards. Nag-ambag naman si Tyrese Maxey ng 19 points at 2 assists.

Malamya naman ang ambag ni James Harden na 16 points at 9 rebounds. Lamang na sa serye ang Heat, 1-0.

.