Upang mapalakas ang police operations, pinulong ni National Capital Region Police Office Director PMGen Melencio Nartatez, Jr ang mga opisyal ng Eastern Police District
Sa command visit ni General Nartatez na idinaos sa Marikina Hotel and Convention Center kanina, humarap kay Nartatez ang District Director ng EPD na si Police BGen Wilson Asueta kasama ang mga Chief of Police ng Marikina, San Juan, Pasig at Mandaluyong.
Pinangunahan ni Asueta ang presentasyon ng mga “accomplishment” ng bawat lungsod na saklaw ng EPD at pinakita ang crime situation sa lungsod.
Ang managing police operations ay ginagamit sa pagtukoy ng mga hakbang na gagawin ng mga pulis sa pagtugon sa krimen at iba pang mga hamon.
Sa naturang command visit ay inatasan ni Gen. Nartatez ang puwersa ng EPD na paigtingin ang foot patrol o mag-ikot sa mga establishment gaya ng mga bar at mga sabungan at kapag may makitang pulis na nasa loob, gayundin ay hulihin, gayundin ang mga indibiduwal na posibleng may mga bitbit na panaksak at bawal na droga.
Pinaalalahan ng general ang members ng EPD na may saysay at katuturan ang kanilang mga nahuhuli. Umaasa ang NCRPO na sa pamamagitan ng pulong ay mas gaganda ang public safety sa distritong sakop ng EPD at mas gaganda rin ang kanilang public service.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA