June 15, 2024

LARRY GADON, GUILTY SA KASONG GROSS MISCONDUCT

NAGKASALA sa kasong gross misconduct si Presidential Adviser on Poverty Alleviation Sec. Larry Gadon.

Niliwanag ito ng Korte Suprema  sa inilabas na desisyon ngayong hapon laban kay Presidential Adviser on Poverty Alleviation Secretary Larry Gadon, na nagsasaad rin ng parusang disbarment o pagkakatanggal ng lisensiya bilang abogado.

Bukod sa disbarment, pinagmumulta si Gadon ng halagang  ₱150,000  dahil sa kanyang pagkakasala.

Lumabas sa imbestigasyon ng Integrated Bar of the Philippines na  ilang beses nagsinungaling at gumamit ng mga hearsay na ebidensya sa kasong impeachment laban kay dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno at iba pang Mahistrado si Gadon. Ngunit dahil una nang na-disbar si Gadon ay hindi na ipinataw sa kanya ang parusa kundi pinagbabayad na lamang siya ng Kataas-taasang Hukuman.