May 18, 2024

MGA NANALONG MAYOR SA RIZAL NANUMPA NA

Pormal nang nanumpa ang mga bagong halal na punong bayan sa lalawigan ng Rizal noong Sabado, ika-25 ng Hunyo.

Pinangasiwaan ni Gob. Nini Ynares ang panunumpa ng mga sumusunod na alkalde mula sa 2nd, 3rd at 4th districts:

• Mayor Wilfredo Robles ng Baras

• Mayor Bernardo San Juan Jr. ng Cardona

• Mayor Elmer Pillas ng Jala Jala

• Mayor Dan Masinsin ng Pililia

• Mayor Sidney Soriano ng Morong

• Mayor Rafael Tanjuatco ng Tanay

• Mayor Rodel Dela Cruz ng Teresa

• Mayor Bartolome Rivera Jr. ng San Mateo at

• Mayor Ronnie Evangelista ng Montalban

Si Congressman Michael John R. Duavit naman ang tagapanumpa ng mga punong bayan sa 1st district ng Rizal na sina:

• Mayor Cesar Ynares ng Binangonan

• Mayor Maria Elenita Nieto ng Cainta

• Mayor Allan Martine De Leon ng Taytay at

• Mayor Jeri Mae Calderon ng Angono.

(Ulat ni AIDA TAGUICANA)