May 18, 2024

Mga bakla! JERIC RAVAL, MARK ANTHONY, BARON GEISLER AT JOEL TORRE, NAGLADLAD NA!

Naglaladlad na bilang mga bakla sina Jeric Raval, Mark Anthony Fernandez at Baron Geisler. Ito ay sa isang palabas ng Viva na may pamagat na “Barumbadings”. Na ipalalabas sa November 5 sa ‘VivaMax’.


Ayon sa iba, inspires yata ang movie nila ng pelikulang ‘Hot Chicks’. Bale, kinupkop ang tatlo ni Mother Joy na gagampanan ni Joel Torre.


Gaganap naman si Jeric bilang Izzy, Jopay naman si Mark at Rochelle si Baron. Challenge sa mga aktor ang kanilang role. Katunayan, nahirapan sila dahil lagi silang naka-heels. Hindi rin sila sanay na kumembot-kembot.


Anyway, sobrang nahirapan nga raw ang mga actor na ito sa shooting, dahil palagi silang naka-dress, naka-heels, at kailangan talagang kumembot nang kumembot.