May 17, 2024

Hindi naman daw pala botante rito;PAULINA SOTTO, BINGO SA BANAT NG MGA BASHERS

Bingo ngayon sa negative comments si Paulina Sotto, anak ni bossing Vic Sotto. Binatikos kasi ito ng netizens kaugnay sa kanyang pahayag. Bagamat may humanga sa kanyang paninindigan at tapang, may umurat naman na iba.


Lantaran ang pagsuporta ni Paulina sa isang presidentiable candidates sa 2022 elections. Aniya, ibang partido raw ang susuportahan niya. At hindi ang partido ng kanyang uncle na si Sen. Tito Sotto.


Dahil dito, lumabas raw ang tunay na kulay ni Paulina. Kaya, naungkat na rin ang personal niyang buhay. Bakit daw mas matimbang pa sa kanya ang ibang tao kaysa sa kadugo?


” Ano’ng klase kang anak?” turan ng isang netizens.


” Ang lakas ng loob mong sumuporta sa isang kandidato. ‘E hindi ka naman pala botante rito. US Citizen ka!So, papaano mo iboboto ang kandidatong susuportahan mo? May masabi lang?” ani ng isang basher.


Banat pa ng iba, tinalikuran daw ni Paulina ang pagiging FIlipino nito. Kaya, bakit ito makikialam sa sensitibong usapin patungkol sa bansa? Lalo na sa politika?