November 19, 2024

MGA ARMAS NG NPA NAHUKAY SA QUEZON

NAREKOBER ng tropa ng gobyerno ang mga armas na pagmamay-ari ng New People’s Army sa General Nakar, Quezon.

Agad inaksiyonan mga kasundaluhan ng 2nd Infantry Division at 7th Infantry Division ang impormasyon mula sa mga dating rebelde hinggil sa mga armas na ikinukubli ng mga miyembro ng NPA sa Sitio Uyungan sa Barangay Umiray kung saan nahukay nila ang ibinaon na war materiel.

Kabilang sa kanilang nasamsam ay isang M16 rifile, short magazine at 17 rounds ng 5.56mm live ammunition.

Matatandaan na noong Nobyembre 11, dalawang miyembro ng KLG Narciso’s Platun 2 mula sa Southern Tagalog Regional Party Committee’s Sub-Regional Military Area 4A ang sumuko sa pinagsanib na puwersa ng 2ID at 7ID sa Barangay Tagumpay sa Gabaldon, Nueva Ecija.

Residente ang dalawa sa Sitio Pinamaypayan, Barangay Umiray sa Dingalan, Aurora at kabilang sa mga tumulong para matukoy ang kinaroroonan ng mga itinatagong armas ng NPA.
  “The cooperation of former rebels has led to significant gains crucial to the government’s effort to end insurgency. This feat contributes to our efforts of securing our communities from the atrocities of the NPA in Southern Tagalog. With this, we urge those still in arms to surrender and return to the folds of the law so we can ensure a safe and peaceful Christmas season for everyone,” ayon kay 2ID Commander Maj. Gen.0 Roberto S. Capulong.