September 9, 2024

Merkado ng turismo sa Clark inaasahang makukuha

Nananalig si Widus Hotel General Manager Tarek Aouini na ang merkado ng turismo ay mapapabuti nang ipagpatuloy ang kanilang operasyon at nag-umpisang lumuwag ang paghihigpit sa Clark Freeport.

CLARK FREEPORT – Dahil nagpatuloy na ang operasyon ng iba’t ibang kompanya at pasilidad, inaasahan na makukuha ng nasabing Freeport ang tourism at hospitality market matapos ang dagok dulot ng COVID-19 pandemic.

Sa isang panayam nitong kamakailan lang, umaasa si Widus Hotel General Manager Tarek Aouini na ang mga aktibidades sa turismo ay lalo pang mapabuti ngayong ang mga pasilidad ay pinapayagang makapag-operate, matapos lumuwag ang ilang paghihigpit sa nasabing lugar.

“We assume that the market will start to grow again and so we will keep ensuring, showing, and proving to our clients that they are safe. I believe that the market will soon pick up,” aniya.

Sa pagbabalik ng kanilang operasyon, binanggit din ni Aouini na kanilang ipagpapatuloy ang pagpapatupad sa mahigpit na protocol at guidelines upang matiyak ang kaligtasan ng mga nagbabalik na turista at panauhin.

“Some other business travelers have also started to come back. But of course, again, we still have to follow all the guidelines and the mandatory requirements and recommendations to make sure that safety comes first to our staff and to our guests.  We are now dealing with more business travelers and players,” dagdag pa niya.

Ayon kay Aouini, ang kanilang hotel ay makapagsisimulang mag-operate muli na may 50-porsiyento kapasidad. Sinabi rin niya na karamihan sa kanilang mga emplyeado ay nakabalik na rin sa trabaho.

“We have been operating for 50-percent occupancy with our staff under the Task Force Team,” aniya.

Sa ilalim ng Administrative Order 2020-02 na inisyu ng Department of Tourism, ang accommodation establishment gaya ng hotel, motel, ecolodges, condotels, inns, at iba pang establisyimento na nagbibigay ng magkatulad na serbisyo sa mga lugar na nasa ilalim ng Modified General Community Quarantine (MGCQ) ay pinapayagan makapag-operate basta’t limitado lamang sa 50-porsiyento ang kapasidad at tanggapin ang lahat ng guest bookings, ito man ay may kinalaman sa trabaho o paglilibang.

Samantala, ibinahagi rin ni Aouini na kahit sila ay nasa new normal, ang pag-iingat sa kapakanan ng kanilang mga empleyado at mga panauhin ang kanilang pangunahing prayoridad.

“We are still one step to reach the new normal. And to reach that, first of all, safety comes first for our guests and staff. So we have to keep making sure that we follow the protocols and the guidelines and slowly the local market will feel that safety is there and that they are safe to go to the hotels,” saad niya.