LUMAMPAS na sa halos mahigit na 9 na milyon ang bilang ng kabuuang kaso ng COVID-19 sa buong mundo base sa umano’y tala ng John Hopkins University.
Kasama sa naging bilang ang nasa 469,939 na nasawi, at nasa mahigit 4.4 na million naman ang gumaling sa 188 mga bansa at teritoryo na may mga kaso pa rin ng COVID-19.
Nangunguna ang bansang US sa dami ng mga na-infections na ngayon ay nasa mahigit 2.3-million na kabilang na ang 120,271 na mga nasawi at 622,133 na mga recoveries.
Pumapangalawa naman ang Brazil na kung saan ay lumampas na ang mga kaso ng COVID-19 sa 1-million, kabilang na ang 50,591 na nasawi at ang 590,586 naman na gumaling.
Kapansin-pansin din ang patuloy na paglobo o pagtaas ng mga kaso na tinatamaan ng COVID-19 sa Russia na nasa 591,465 at bansang India na nasa 425,282.
(FELIX LABAN)
More Stories
PH KABILANG SA MAY MATAAS NA NEGLECTED TROPICAL DISEASES
5 CONSTRUCTION WORKERS NAKURYENTE 3 PATAY
Higit P.4M shabu, nasamsam sa HVI drug suspect sa Valenzuela