NANGAKO si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ng solidong investments sa Cebu bilang nangungunang driver sa paglago ng ekonomiya at pag-unlad sa bansa.
Sa Capsule Laying Ceremony ng Mactan Expo Center sa Lapu-Lapu City, ibinahagi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang potensyal ng PhP1.5 bilyong investment ng Megaworld na magdala ng higit na trabaho at pamumuhunan sa Cebu.
Dagdag ng Pangulo, sa PhP2.9 bilyong halagang inilaan ng pamahalaan para sa imprastraktura sa lungsod, nananatiling dedikado ang pamahalaan na gawing sentro ng pambansang kaunlaran ang lalawigan.
“The government, for its part, will also continue to invest in its success, which is why in 2024, the DPWH is funding about P2.9 billion in infrastructure projects here in Lapu-Lapu City alone,” Pahayag ng Pangulong Marcos.
Kabilang sa mga poryekto na pinangunahan ng DPWH ay ang widening projects, na malaking tulong sa pag-decongest sa traffic sa mga major thoroughfares gaya ng Mactan Circumferential Road at Mactan Airport Road.
Nasa Cebu ang Pangulo kahapon para dumalo sa ibat ibang aktibidad partikular ang paggunita sa ika-503rd Commemoration ang victory ni Lapulapu sa isla ng Mactan. “All the feats that we are witnessing today follow in the footsteps taken by our valiant heroes, Datu Lapulapu and his warriors, the former of which the city where we are now is named after,” President Marcos said in his speech.
More Stories
PH KABILANG SA MAY MATAAS NA NEGLECTED TROPICAL DISEASES
5 CONSTRUCTION WORKERS NAKURYENTE 3 PATAY
Higit P.4M shabu, nasamsam sa HVI drug suspect sa Valenzuela