Dinaig ng Meralco Bolts ang Brgy. Ginebra sa Game 1 ng PBA Philippine Cup quarterfinals. Kinuryente ng Bolts ang Gin Kings sa iskor na 93-82. Nagtala si Aaron Black ng 25 points sa huge win ng team. Kaya, lamang na sa 1-0 sa best-of three series ang Meralco.
Nagdagdag naman si Chris Newsome ng 19 points, 9 boards at 6 assists. Habang si Allen Maliksi ay nag-ambag ng 17 points.
“They’re a championship team. And that’s what we want to be. To be a championship team, you gotta beat the best. And I think that’s what we’re here to do,” ani Newsome.
Sa panig naman ng Ginebra, nagtala si Scottie Thompson ng 29 points at 10 boards. Samantalang nagtala ng 12 points si Christian Standhardinger. Nag-ambag naman ng 11 points si Jeff Chan at 10 points si Japeth Aguilar.
More Stories
Marubdob na trabaho sa POC mas taimtim sa bagong taong 2025 – Tolentino
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
SBA Championship Week Game One… MANILA’S FINEST NIYANIG ANG TAGUIG!