April 28, 2024

Magnolia, nilubak ang NLEX sa Game 1 ng quarterfinals, Barroca, naitala ang 5,000 career points

(PBA Photo)

Nilubak ng Magnolia Hot Shots ang NLEX sa quarterfinals ng 2022 PBA Philippine Cup. Nakauna ang Chicken Timplados sa Road Warriors sa iskor na 98-89. Rumatsada ang Hot Shots sa second quarter dahilan upang makaungos sa laro.

Bumida sa panalo ng team si Mark Barroca na bumuslo ng 11 points sa second frame. Nagtala siya ng 24 total points sa best-of-three series.Naitala niya rin ang kanyang 5,000 career points sa liga. Kung kaya, napasama siya sa 5000-point club.

Wala naman ako hinahangad kundi mag-champion. Bonus na lang ‘yung awards, pero ang goal talaga ay ang championship,’ saad ni Barroca.

Nagdagdag naman ng tig-13 points si Paul Lee at Calvin Abueva. Habang si Ian Sangalang ay nag-ambag ng 12 points. Si Jio Jalalon naman ang bumira ng 10 points.

Sa panig naman ng NLEX, naglista si Tony Semerald ng 19 points. Tig-15 points naman ang inambag nina Calvin Oftana at Don Trollano. Idaraos naman ang Game 2 sa Biyernes sa Filoil EcoOil Centre sa San Juan City.