Rehas na bakal ang kinabagsakan ng isang mekaniko makaraang makuhanan ng shabu matapos estapahin ang isang Lalamove delivery rider sa Malabon city, kahapon ng umaga.
Kinilala ni Malabon police chief Col. Joel Villanueva ang naarestong suspek na si Laurence Jimenez, 29 ng 42 Rincon Road, Brgy. Malinta, Valenzuela city.
Sa imbestigasyon nina PSSg Jerry Basungit, PSSg Mardelio Osting at PSSg Diego Ngippol, dumulog ang biktimang si Jerrick James Caballes, 27, Lalamove delivery rider ng Caloocan city sa mga tauhan ng Malabon Police Sub-Station 1 upang humingi ng tulong makaraang mabiktima ng isa sa kanyang customer at magawang matangayan ng P1,500.
Sinamahan nina PSSg Onofre Balmores Jr at PCpl Jayron Dela Cruz ang biktima saka hinanap nila ang suspek hanggang sa makita nila ito sa kahabaan ng Mangustan Road, Brgy. Potrero dakong 5:30 ng umaga.
Positibong kinilala ng biktima ang suspek kaya’t nilapitan ito ng mga arresting officer saka nagpakilalang mga pulis bago inaresto si Jimenez.
Nang kapkapan, narekober sa suspek ang isang old car water inlet, isang transparent plastic sachet na naglalaman ng nasa 0.32 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P2,176 ang halaga at ilang drug paraphernalia.
Mahaharap ang suspek sa kasong Estafa at paglabag sa R.A 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (JUVY LUCERO)
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA