May 19, 2024

MAYOR JORIC GACULA, NAGPASALAMAT SA SUPORTA NG TAYTAYEÑOS SA DEVELOPMENT TEAM

NAGING mainit ang naging pagtanggap ng mga residente sa Barangay San Juan, Taytay Rizal sa ginanap na caucus ng Development Team sa pamumuno ni Mayor Joric Gacula.

Taus-puso namang nagpapasalamat si Gacula sa ipinakitang suporta ng mga taga-Brgy. San Juan sa kanilang grupo.

“Ang inyong walang patid na pagmamahal at suporta ay bitbit namin sa bagong kabanata ng ating laban upang mas lalong mapataas ang antas ng pamumuhay ng bawat Taytayeños,” ani ng alkalde.

Makakaasa kayong ang  Development Team ay magiging kasangga at kakampi ninyo sa anumang laban na ating haharapin.