May 7, 2024

MAYOR-ELECT LANI CAYETANO PORMAL NG NANUMPA BILANG MAYOR SA LUNGSOD NG TAGUIG

Pormal nang naka-panumpa si Mayor Lani Cayetano Kay judge Antonio Olivette ng Regional Trial court bilang bagong alkalde sa lungsod ng Taguig.

Kasama din sa panunumpa ni Lani si Senator Alan Peter Cayetano na ginanap sa Rene Compañero Cayetano Memorial Science and Technology High School sa Brgy.Ususan sa Taguig City.

Ayon Kay Mayor Lani Cayetano ipagpapatuloy nito ang mga nasimulan ng dating Mayor Lino Cayetano kung saan naging matagumpay ang ginawang pagtugon nito sa pangangailangan ng mamayan sa lungsod sa harap ng nagpapatuloy ng banta ng Covid 19.

Partikular na tutukan nito ang improvement sa mga existing social services at pagdevelop ng mga makabagong programa. Aminado ang bagong halal na Alkalde na hindi magiging madali dahil nasa harap pa anya tayo sa banta ng Covid-19 pero tiniyak nito gagawin niya ang pinaka the best na matugunan ang pangangailangan ng mga residente ng Taguig partikular ang kalusugan at libreng edukasyon.