Ito ang ipinahayag ng pamunuan ng Maynilad (Manila Water Services Inc.) na suportado nila ang pagsasa ulit ng Laguna Lake dredging isang malaking pagkukuhanan ng fresh water upang tugunan ang lumolobong consumer ng Metro Manila.
Sa ginanap na linguhang “Kapihan sa Manila Bay” sa Café Adriatico, Malate inihayag ni Maynilad Chief Operating Officer Randolf T. Estrallado na napapanahon na upang pasimulan ang naturang natigil na dredging project milyong consumer ang mabibiyayaan para sa southern Metro.
Kasabay nito, Inanunsiyo ni Estrallado ang panibagong P220 bilyon para sa 5 taon upgrading project upang makatugon sa lumolobong populasyon kasabay na rin ng mga mararaming pagsulpot ng mga high rise residential and commercial building.
Ayon kay Estrallado ang naturang PP220 billion investment plan ay siyang magpapatibay ng mga itatayong infra structure upang harapin ang mga inaasahang hamon ng industria habang palaki ang populasyon , polusyon, at climate changes na aapekto sa paglikom sa paghango sa pinagkukuhanan ng tubig tabang.
Sa tulong umano ng Metropolitan Water Works and Sewerage System (MWSS) makakatiyak ang mga consumer nito ang walang tigil na supply sa kasalukuyan at sa pang hinaharap na pangangailangan ng lumolobong populasyon.
Isa sa pinaka malaking proyektong kasanib sa naturang investment program ay pagtatayo ng mga bagong pagkukuhanan ng karagdang supply ng tubig para paglaki ng demand nito.
Sa susunod na limang taon ang Maynilad ay magtatayong ng pitong malalaking water treatment planta para karagdagang 545 milyong litro kada araw para ipapamahagi ng kumpanya upang mabawasan ng problemang water interruptions.
Sa nasabing mga bagong pasilidades ay hahanguin sa pagkukuhanan ng fresh water kasama ang Laguna lake, Kaliwa dam at ilan mga ilog sa Cavite at sa mga treated used water nan a discharge sa Maynilads Water Reclamation facilities kung saan mababawan ang pagiging over-reliance sa Angat Dam na kasalukuyang pinakamalaking pinagkukuhanan ng supply ng tubig sa Metro Manila at sa mga kalapit nitong mga lugar. Ang MWSS ay umaasang matatapos ang konstruksiyon ng Kaliwa dam sa 2026.
Nilinaw ni Estrallado ay apekto ng climate change sa rainfall patterns at ang malubhang dulot ng tag tuyot at mga sunod sunod na bagyo ay nagbunga ng kakulangan ng water supply taliwas sa regular na inaasahang nakukuha kung saan ay mahirap tantyahin. Nagdulot ito ng hindi masigurong supply ng tubig dahil na rin sa pabago bagong anyo at paglabo ng level ng tubig na kakailanganin ang mga bagong teknolyohiya na isa sa kakain ng malaking ulit na capital upang isailalim sa upgrade.
Kasama sa mga maasahang magagawa ng naturang 220 bilyon proyekto ang pagtatayo ng bagong water pumping station, reservoir para mapalakas ang pressure ng water service, network upgrade para sag a pagpapalit ng mga malalaking tubo na mayroong leaks upang maaisulong ang water recovery.
Magugunita na isa sa proyekto ng dating presidenteng Gloria Macapagal Arroyo ang dredging ng Laguna lake ngunit sinawing palad inabutan ng Aquino administration at ito ay pinatigil dahil na rin sa umanoy kadudu-dudang paraan ng dredging.
Hango sa news report ang isinagawang dreding sa Pasig River ay pinagdudahan ni Aquino dahilan sa kwestionableng pag hango at pagtambak ng pinagkasunduang 25Milyong burak na kanilang hahanguin at pagtatambakan sa halagang P5.5 bilyon kung saan nadiskubre na tinangal burak sa ilog pasig na tinapon naman sa Manila bay.
Apektado ang Laguna lake dahilan sa ang buong kontrata ay halagang P25Bilyong piso na hinati sa P5.5 Bilyon para dredging ng 28 kilometrong pasig river at P19.5 Bilyon naman para sa laguna lake. Matapos ipatigil ni President Aquino ang approve project nag sampa ng kaso ang Belgian contractor nitong Baggaerwagen co.doon sa Estados Unidos , Washington Dc kung saan hindi pa rin isinasagawa ang lubhang kailangan dredging work ng Laguna lake.
More Stories
KRIMEN SA METRO MANILA BUMABA
FILIPINO LAWYER DADALO SA INAGURASYON NI TRUMP
60-ANYOS PINUGUTAN NG ANAK; LAMAN-LOOB TINANGGAL