May 13, 2024

Madugong Barangay at SK election umpisa na! EX- BRGY. KONSEHAL TAKBONG BARANGAY CHAIRMAN INAMBUS SUGATAN SA BATANGAS

Tanauan City, Batangas – Kritikal ngayon sa pagamutan ang isang biktimang dating barangay councilor ng pagbabarilin ng hindi pa kilalang mga suspek na riding in tandem bandang 11:30 ng umaga noong Sabado sa tapat ng Mosque sa Barangay Trapiche ng nasabing bayan.

Kinilala ang biktima na si former Barangay Councilor Larry H. Laura alyas “Barok”, 47 anyos, residente ng Barangay Poblacion 4 ng kaparehong bayan.

Base sa inisyal na report ni Police Staff Sargeant Jhune Carlo M. Coballes ang imbestigador na may hawak ng kaso sakay ng kanyang motorsiklo ang biktima ng lapitan at  paputokan ng sunod sunod ng dalawang hindi pa kilalang suspek na sakay ng hindi naplakahan na motorsiklo at mabilis na tumakas matapos ang ginawang pamamaril sa biktima patungo sa di pa tukoy na direksyon.

Mabilis naman dinala sa CP. Reyes Hospital ng mga nakakita sa nangyaring krimen ang biktima na nagtamo ng sugat sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan para malapatan ng lunas.

Kilalang taga suporta ang biktima nina dating Tanauan City Mayor Angeline Halili na tumakbong kongresista at kapatid nitong si Mark Anthony Halili na natalo sa pagka alkalde nuong  May 2021 National and Local Election. (KOI HIPOLITO)