SA ganda ni Barbie Forteza, hindi maaaring kumawala itong si David Licauco sa mga pinagsasabi niya na trabaho lang ang lahat. Siyempre tatrabahuhin niya para matupad na mabuwag ang pag-iibigan nina Jack at Barbie. Kung may JRU, [Jak Roberto University ] hindi rin nagpatalo si David at nagtayo naman ito ng DLSU. [David Licauco University] Umpisa na raw iyan kaya dapat tutukan ng husto ni Jak si Barbie.
“Naku lalake si David Licauco, at nasa edad ng kapusukan niya. Mukhang type rin naman ni Barbie si David. Iyong mga eksena nilang tinginan at yakapan, sino kaya ang unang bibigay sa dalawa. Kaya ihanda na ni Jak ang kanyang sarili, sabi nga parte ng sakit ang pagmamahalan. Maging handa na siya sa mga mangyayari, at umpisahan na ang maagang pagtanggap.
“Hindi porke sinabi ng isang lalake na trabaho lang ang lahat, at okey lang ang magselos kung mayroong ebidensiya. Ang nakakatakot doon ay hindi naman nakikita Jak, ang mga nangyayari, so paanong hindi siya magseselos? Kung sa lalake ay wala, baka naman sa babae, sana huwag humantong ang lahat sa selosan,” tsika ng aking source.
More Stories
BILANG NG SCAM COMPLAINTS NAGING TRIPLE NOONG 2024 – CICC
Wembanyama napili bilang isa sa mga reserve para sa kanyang unang NBA All-Star Game
EX-NCAA BASKETBALL PLAYER TINAMBANGAN PATAY