April 28, 2024

MAY-ARI NG CONVERGE, INTERESADONG BILHIN ANG FRANCHISE NG ALASKA AYON SA SOURCE

Interesado umano si Dennis Anthony Uy, may-ari ng Converge ICT Solutions sa nais bumili ng franchise ng Alaska Aces sa PBA. Ito’y matapos sabihin ng isang source na target nga ni Uy na bilhin ang prangkisa.


Gayunman, wala pang binabanggit dito si PBA Commisioner Willie Marcial. Ayon sa isang insider sa PBA, isa lamang ang Converge sa interesado. Pero, dadaan muna iyan sa Board at pag-uusapan pa.


Wala pa rin aniyang pormal na dumudulog sa opis ni Kome para rito. Na sasabihin nilang interesado silang bilhin ang franchise. Hindi rin nito alam kung may direktang nakikipag-usap sa Alaska.