May 19, 2024

MAX COLLINS, INIINTRIGA SA REAL SCORE NILA NG ASAWA

Marami ang nagdududa kung hiwalay na nga ba sina Max Collins at Pancho Magno. Ayon sa iba, parang ganun na nga. Nagkjakalabuan na raw ba ang showbiz couple?


Pero, sinabi ni Max na di totoo na hiwalay na sila ng mister niya. But, puzzled pa rin ang iba. Lalo na kung pagbabatayan ang kanilang post sa Instagram.

Ayon sa mga netizens, walang latest picture ang dalawa na magkasama. Halos buwan na rin ang nagdaan.


Wala rin silang litrato na kasama ang kanilang anak na si Skye. Noong nagdiwang ng kanyang 29th birthday si Max, bakit wala man lang daw greetings si Pancho?


Pero, tahimik lang ang aktor. Para naman sa fans nila, bahala nang mag-isip ang iba. Basta, alam nila sa sarli nila kung ano ang real score ng relationship nila.