May 19, 2024

MATANDANG BINATA NILARO ANG ARI SA HARAP NG DALAGITA

REHAS na bakal ang kinasadlakan ng isang 52-anyos na binata matapos magbati ng kanyang ari sa harapan ng isang 17-anyos na dalagita sa Navotas City, kahapon ng madaling araw.

Nahaharap sa kasong Unjust Vexation in relation to RA 7610 ang suspek na kinilalang si Ricardo Dimacali ng Champaca St., Brgy. San Roque.

Sa tinanggap na ulat ni Navotas police chief Col. Dexter Ollaging, habang nasa loob ng pinagtatrabahuan niyang tindahan sa Leongson Ext., Champaca St., Brgy., San Roque ang biktima na itinago sa pangalang “Marimar”, grade 11 student nang makarinig siya na may sumisit sa kanya sa kabilang kalye.

Maya-maya pa ay nakita niya ang suspek na hawak-hawak ang ari nito habang nagbabati sa kanyang harap bago mabilis itong umalis.

Nang makauwi sa kanilang bahay sa Brgy. Sipac Almacen, sinabi ng biktima sa kanyang ina ang nangyari na naging dahilan upang agad humingi ng tulong ang mag-ina sa mga tanod ng Brgy. San Roque. Nang puntahan ng mga tanod si Dimacali sa kanyang bahay ay wala ito subalit, habang naghahanap sila sa Champaca St., ay naispatan nila ang suspek na sakay ng bisikleta ngunit nang makita sila nito ay tumakas siya patungo sa kanilang bahay kung saan siya naaresto ng mga tanod.