Nangangamba ang mga residente sa Shelterville, Brgy. 171 Bagumbong, Caloocan City matapos iulat ang isang mapanganib at nakabitin na bahagi ng kalsada na matagal nang hindi naaaksiyunan.
Sa larawan mula sa isang concerned citizens, makikita ang malalim na erosion sa ilalim ng kalsada, na halos nakabitin na at anumang oras ay maaaring tuluyang bumigay.
Ayon sa sumbong, matagal na raw itong napabayaan at patuloy na ginagamit ng mga motorista at pedestrian, kabilang na ang mga bata at senior citizens sa lugar.
Nanawagan ang mga residente sa lokal na pamahalaan ng Caloocan at mga kinauukulang ahensya na agarang inspeksiyunin at kumpunihin ang daanan bago pa magdulot ng aksidente o mas malaking sakuna. (Mina Paderna)
