April 29, 2024

MARTINEZ, NAGTAPOS SA 23RD PLACE SA 2021 CS CUP

Nagtapos sa 23rd place si Michael Christian Martinez sa free skate ng 2021 CS Cup of Austria. Umigi ang kanyang tala mula sa ika-25th place kahapon.


Nagtala ang 25-anyos na figure skater ng 108.97 points sa segment. May 166.47 ang naitala niya sa kabuuan ng torneo. Gahiblang kapos sa naitala ni Paolo Garcia ng Spain na 0.06 point advantage.


Nagresulta rin ito sa 59.20 points sa presentation. Mas nag-improved kaysa sa naitala niyang 57.34 sa Finlandia. Dinomina ni Nika Egadze ng Georgia ang CS Cup. Kung saan, nasungkit nito ang gold medal sa naitalang 159.55 points sa free skate at 227.57 naman sa overall.
Nasubi naman ni Lucas Honda ng Japan ang silver sa 225.89 score. Habang si Illia Malinin naman ng USA ay bronze sa naitalang 222.55 overall.