May 1, 2024

MARLON TAPALES, NILIKIDA SI TESHIGAWARA SA CALIFORNIA

Nilikida ni Pinoy boxer Marlon Tapales si ex-WBO bantamweight champ Hiroaki Teshigawara ng Japan. Dinispatsa ng una ang huli sa second round ng International Boxing Federation super bantam title eliminator. Ang bakbakan ng dalawa ay idinaos sa Dignity Sports Park sa Carson, California.


Bago tuluyang igupo, tatlong beses na pinabagsak ng Pinoy pug ang Japanese boxer. Dalawang beses na pinatumba ni Tapales ang Hapon sa Round 1. Kaya, nagkaroon ito ng kumpiyansa at naging mas agresibo pa sa laban.


Kaya naman, tuloy-tuloy ang ginawang atake ng 29-anyos na Lanao del Norte native. Nirapiso nito ang upak ang Nippon pug hanggang sa bumagsak uli. Mula rito ay di na nagawang makatayo pa ni Hiroaki.


‘Di na nagpatumpik-tumpik pa ang 29-anyos at tubong Tubod, Lanao del Norte nang tuluyang puruhan ng banat ang Nippon pug na humalik uli sa lona at hindi na tumayo.