May 2, 2024

MARGARET COLONIA, NAGTAPS SA 14TH PLACE SA 2021 WORLD WEIGHTLIFTING TIFF

Nagtapos sa ika- 14th place si Margaret Colonia sa 2021 World Weightlifting Championships. Kung saan ay nakatunggali niya ang 21 competitors sa Uzbekitan Sports Complex.


Nagawa lamang buhatin ng 30th SEA games silver medalist sa 59-kg class ang total 187 kilograms sa Group B. Nasa 11 weightlifters ang kalaban niya rito.


Nakitaan ng pangangapa ang 22-anyos na Zamboageña sa pagbuhat. Kung saan, nabigo siyang itala ang 82kg sa kanyang first two attempts. Ngunit, nakakuha ito ng momentum sa pagdagdag ng 105kg. Ito’y matapos ang matagumpay na tangka sa clean and jerk.
Ngunit, pumalya sa pagdagdag ng 3 kilogram sa huli na nagtapos sa 105sa overall score.