November 3, 2024

MARCIAL,”MAILAP ANG GOLD SA OLYMPICS DAHIL KULANG SA SUPPORT”

Tumugon si Pinoy boxer Eumir Felix Marcial sa pahayag ng PSC tungkol sa allowance isyu.
Tumugon si Pinoy boxer Eumir Felix Marcial sa pahayag ng PSC tungkol sa allowance isyu. Rumesbak si boksingero sa pahayag ng former PSC Chairman na si Aparicio Mequi.

Tumugon si Pinoy boxer Eumir Felix Marcial sa pahayag ng PSC tungkol sa allowance isyu. Rumesbak ang boksingero sa pahayag ng former PSC Chairman na si Aparicio Mequi.

Sinabi ni Mequi na hindi nalagot ang ibinibigay nilang financial assistance sa middleweight boxer. Nagbibigay ang ahensiya ng P43,000 monthly allowance kay Marcial.

Bukod pa ang P30,000 dahil sa pagiging enlisted personnel nito ng Philippine Air Force.

Pero, ayon sa Zamboangueño, kulang ang naturang allowance sa kanyang olympic training. HIndi aniya kasya ito at nauuwi lang sa kanyang pangangailangan ang pera.

“Since last year nong nasa United States ako hanggang ngayon dito sa Zamboanga City tingin niyo sapat ang 43,000 pesos monthly allowance para sa preparation para sa Olympics? (which is allowance ko yun sa sarili ko as a national athlete).”

Ayon pa kay Eumir Felix Marcial, kaya mailap ang gold medal sa bansa sa olympics dahil sa lack of support.

“Kung ganiyan ang supporta at mentality niyo huwag kayong mag hangad ng gold sa Olympics!

“Ngayon ang tanong ko sa sarili ko at tanong ko din sa inyo mahihina ba kameng mga Pilipinong atleta kung bakit hanggang ngayon walang nakakakuha ng gold sa Olympics o sadyang may problema na ang pag supporta galing sa inyo?!”ani ng three-time SEA Games gold medalist.