Naaresto ng pulisya noong Biyernes ng umaga, Agosto 21, 2026, ang nakaupong Vice Mayor ng Marantao, Lanao del Sur na si Ali Eskandar Unte “Bimmy” Alonto III sa loob ng isang hotel sa Barangay San Miguel, Iligan City matapos silbihan ng warrant of arrest para sa magkahiwalay na kaso ng murder at frustrated murder.
Ayon sa ulat ng Police Regional Office 10 (PRO-10), nag-ugat ang mga warrant sa isang pamamaril noong Pebrero 16, 2026 sa Initao, Misamis Oriental na ikinasawi ng isang babae at ikinasugat ng isang menor de edad.
Inalabas ng Regional Trial Court Branch 44 ang warrant na walang inirekomendang pyansa para sa murder at P200,000 naman para sa frustrated murder.
Bago ang kaniyang pagkakadakip, nakatala si Alonto bilang No. 1 wanted person sa Marantao, No. 3 sa Lanao del Sur, at No. 4 sa buong Rehiyon 10.
Kasalukuyan siyang nasa custody ng Iligan City Police Station 1 habang hinihintay ang opisyal na pahayag mula sa kaniyang kampo.
