May 4, 2024

MANYAKIS NA ESTUDYANTE ARESTADO (4-anyos pinasubo ng ari kapalit ng candy)

ISINELDA ang isang binatang estudyante matapos ang ginawang panghahalay sa isang batang babae sa Navotas City, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni Navotas police chief Col. Dexter Ollaging ang suspek bilang si Jhon Cedric Cruz Pinggoy, 20, grade 12 student at residente ng Blk 35 Lt 4 Ph1A Brgy. NBBS Kaunlaran.

Lumabas sa inisyal na imbestigasyon ng Women’s and Children Protection Desk (WCPD) ng Navotas police, habang naglalakad pauwi dakong ala-1 ng hapon ang biktimang itinago sa pangalang “Lorna”, 4-anyos nang lapitan siya ng suspek at pinangakuan na bibigyan ng candy.

Dahil dito, pumasok ang biktima sa loob ng bahay ng suspek at habang nasa loob ay inilabas umano ng lalaki ang kanyang maselang parte ng katawan saka inilagay sa bibig ng paslit.

Matapos nito, agad namang umuwi ang biktima at sinabi sa kanyang lola ang pangyayari na naging dahilan upang humingi ng tulong ang mag-lola sa mga opisyal ng Brgy. NBBS Kaunlaran. Kaagad namang nagsagawa ng follow-up operation ang mga barangay tanod na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek na nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa RA 8353 at Sec. 5 of RA 7610.