May 14, 2024

MANOY NG LASING NA MISTER SINILABAN NG KA-LIVE IN

TULUYAN nang nalagutan ng hininga ang isang lalaki makaraang buhusan ng gas at silaban ng kinakasamang babae ang kanyang ari sa Misamis Oriental.

Nagtamo ng degree burn at iba pang bahagi ng katawan ng biktima na si Ponciano Biñang, 37, ng Barangay Mohon, Tagoloan sa nasabing lugar.

Pinakawalan naman ng pulisya ang sumunog sa ari ng biktima na si Martines Sumalpong, 37 dahil sa sobrang pagmamahal nito sa kanya at pumirma na hindi na maghahain pa ng reklamo noong ito’y nabubuhay pa.

Nabatid na natutulog si Biñang galing inuman kasama ang mga kaibigan nang mangyari ang insidente.

Agad na sumaklolo ang mga kaanak at kapitbahay ng dalawa kaya naitakbo sa pagamutan ang biktima na binawian din ng buhay.

Hinala ng mga kaanak ng biktima, ay tila may sakit sa pag-iisip ang suspek dahil sa kakaibang ikinikilos nito.

Sa huli, nagkasundo na ang dalawang panig na wala nang sampahan ng kaso sa kondisyon na mismong pamilya ng suspek ang mag-aasikaso sa burol hanggang mailibing ang mapagmahal na biktima sa kanyang live-in partner.

Napag-alaman din ng Agila ng Bayan na umuwi na ang suspek sa sarili nitong pamilya sa Bukidnon.