December 24, 2024

Manny Villar pinakamayaman pa rin sa Pilipinas


Nananatili pa ring pinakamayaman sa Pilipinas si dating senator Manny Villar  na may net worth  na $11 bilyon (katumbas ng mahigit P621 bilyon)

Pasok sa listahan ng Forbes Magazine ang 74-anyos na dating mambabatas sa ika-190th na puwesto bilang chairman ng property developer na Vista Land & Lifescapes na pinapatakbo ng kanyang anak na si Manuel Paolo.

Pag-aari ng dating Senate President ang Golden MV Holdings (dating Golden Bria), na developer ng mga mass housing project at memorial park.

Sa kanya rin ang nagkalat na Vista Mall, AllHome, AllDay Mart, AllTV, at Premiere Island Power REIT.

Sa kabila ng dami ng salapi ni Villar, target din ng dating Senate President na magtayo ng casino at theme park sa katimugang bahagi ng Metro Manila.

Bukod kay Villar, pasok din sa talaan ng pinakamayaman sa bansa si Enrique Razon na may net worth na $10 bilyon (katumbas ng mahigit P564 bilyon).

Higit na kilala si Razon sa kanyang mga negosyo tulad ng International Container Terminal Services (ICTSI) at Bloomberry Resorts na siyang nagpapatakbo ng Solaire Resort and Casino. Swak din sa talaan ng mga bilyonaryo si Ramon Ang ng San Miguel Corporation sa $3.5 bilyong net worth (katumbas ng P197 bilyon).