May 4, 2024

MANNY PACQUIAO KAY MAYWEATHER: ” IKAW ANG PERA-PERA LANG, HINDI AKO”

Inupat ni Sen. Manny Pacquiao ang old rival nito na si Floyd Mayweather Jr. Nagpatutsada kasi si Mayweather tungkol sa pagharap niya kay Errol Spence Jr.

Ayon sa undefeated American boxer, kaya lalabanan ni Pacman si Spence para lang pagkaperahan. Pero, sinagot ito ng ‘Fighting Senator”.

Like I said, hindi ako katulad ng iba diyan na pera-pera lang.

Kahit hindi boksingero ang kalaban, hinahamon para lang may pera,” saad ni Pacquiao Radyo5’s Power and Play, Saturday.

Ako kasi, gusto ko ‘yung fight — fight talaga to challenge the best. Laging ganun. Sanay tayo riyan. Hanggang nandito pa tayo sa sports.”

Binuska rin ni Pacquiao ang nakaraang 8-round exhibition bout ni Floyd kay Logan Paul. Kung saan, walang idineklarang panalo. Pera-pera lang talaga ang layun ni Mayweather.

Katunayan, kumita si Mayweather ng US$50 million sa paglaban nito kay Paul. Pipitsugin lang aniya ang nilalabanan ni Floyd.

Hindi ito humaharap sa matitikas sa takot na mabahiran ang malinis na boxing record. Isa pa, sa hindi naman pro boxers.

Alam mo, kung pera-pera ‘e di kumuha ako ng pipitsugin na hindi boksingero. Kung pera-pera ang habol ko, bakit kukuha ako ng legend, kukuha ako ng undefeated? ‘Di ba? Mahirapan pa ako,” aniya.

This is the real fight. Hindi ‘yung fight na hindi boksingero ‘yung kalaban mo. ‘Yan ang pera-pera, ‘yung hindi boksingero ‘yung kalaban mo.”

Lumalaban ako, kasi passion ko ito,” dugtong pa ng Pambansang Kamao.