May 1, 2024

‘MANNY PACQUIAO, I THINK MANNY WILL FIGHT AGAIN’— AMIR KHAN

Bagamat natalo si Sen. Manny Pacquiao sa nakalipas na eleksyon, may bagong tsapter na naman sa buhay niya. Ito ay ang posibilidad na muli siyang bumalik sa lona.

Ayon sa source, may ilang tao ang humihimok dito na magbalik sa boxing. Dahil ito raw talaga ang kanyang tadhana. Katunayan, kinontak nng Team Pacquiao si retired boxer Amir Khan. Naniniwala naman si Khan na babalik sa boxing ring si Pacman.

“Now that Manny has spent all this money on the elections, I think Manny will fight, but I don’t think it will be me.

“I’d rather give that a miss,” saad ni Khan.

Maraming pagkakataon na rin na iniuugnay ang dalawa para maglaban sa lona. Pero, hindi ito nagkaroon ng katuparan. Nilinaw din ng kampo ni Pacquiao na hindi si Khan ang target nilang ilaban sa Fighting Senator.