Upang mapaghandaan ang inaasahang malakas na El Niño na maaaring magpatuloy hanggang sa unang bahagi ng 2027, pinalalakas ng Manila Water ang kanilang water supply resilience sa pamamagitan ng paggamit sa 80-million-liter-per-day (MLD) Calawis Water Treatment Plant (WTP) sa Antipolo City.
Ang pasilidad na ito ay nagsisilbing mahalagang karagdagang suplay ng tubig upang mabawasan ang pagdepende sa Angat Dam at matiyak ang tuluy-tuloy na serbisyo sa kabila ng tagtuyot.
Matatagpuan sa Barangay Calawis, Antipolo City, ang treatment plant ay kumukuha ng tubig mula sa Tayabasan River sa Upper Marikina Basin bilang bahagi ng Wawa-Calawis Water System ng Manila Water.
Malaki ang papel ng pasilidad na ito sa pag-diversify ng water sources ng kumpanya upang mapanatiling matatag ang serbisyo sa gitna ng mga pagbabago sa panahon.
Bahagi ng P8.2-billion Calawis Water System Project, ang pasilidad ay naghahatid ng malinis at maiinom na tubig sa mahigit 900,000 customer sa Antipolo City at mga kalapit na lugar.
Dahil mas malapit ang water production sa mga residente, napag-iibayo nito ang distribution efficiency, napapa-stabilize ang presyon ng tubig, at natutulungan ang mga upland communities lalo na tuwing tag-init kung kailan mas mataas ang demand sa tubig.
Kabilang sa Calawis Water System Project ang 80-MLD water treatment plant, mga pumping station, reservoir, at humigit-kumulang 21 kilometro ng primary transmission pipelines.
Ang mga ito ay nagbibigay ng karagdagang kapasidad upang protektahan ang mga customer sa epekto ng mahabang tagtuyot.
“Preparing for a strong El Niño requires maximizing available water sources and continuously diversifying supply. The Calawis Water Treatment Plant plays a vital role in boosting our preparedness by augmenting raw water sources that help reduce reliance on Angat Dam and enhance our ability to deliver reliable service even during challenging climate conditions,” ayon kay Dittie Galang, Communication Affairs Group Head ng Manila Water.
Bukod sa pagpapatatag ng supply ng tubig ngayon, suportado rin ng pasilidad ang long-term strategy ng Manila Water na makabuo ng mas climate-resilient at sustainable na water system para sa kanilang East Zone customers.
Patuloy din ang kumpanya sa pagsuporta sa watershed protection at reforestation initiatives sa Upper Marikina Watershed upang mapangalagaan ang Tayabasan River bilang pagkukunan ng tubig.
Ang Calawis WTP ay bahagi ng mas malawak na water supply resilience program ng Manila Water, na kinabibilangan ng mga pamumuhunan sa iba pang water sources sa Laguna Lake at Upper Wawa watershed.
Sa patuloy na pag-diversify ng kanilang supply, pinatitibay ng Manila Water ang water security ng mga lumalaking komunidad at pinapalaot ang kanilang kahandaan sa El Niño hanggang 2027.
