Sa kabila ng pagkakaaresto sa tatlong suspek, sa Brgy. Balagtas ng Batangas City kung saan nakasamsam ang mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Provincial Field Unit, ng Calabarzon ng nasa hindi bababa sa halagang P9,000.000. ng diesel at gasolina, kahapon araw ng Miyerkules, ay ibinunyag ng isang mapagkakatiwalaang impormante na aking nakapanayam na patuloy pa rin ang umano ang operasyon ng mas malalaking grupo na sangkot sa ilegal na kalakalan ng pagnanakaw ng petrolyo sa mga lalawigan ng Batangas, Cavite, at Quezon.
Nanawagan ang mga ilan legal at lehitimong mga gasolinahan sa buong rehiyon na nakakasakop sa Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon na bigyan pansin ng Senado at Kongreso ang malawakang operasyon ng mga pagnanakaw o “paihi” ng petrolyo na lalong nagpapaluge sa mga negosyante at nagpapahirap sa mga motoristang kunsumidores ng petrolyo dahil sa linggo-linggong pagtaas ng presyo ng mga nasabing produkto.
Ayon sa isang mapagkakatiwalaang impormante, ilan sa mga umano’y aktibong personalidad sa likod ng “paihi” operations ay sina alyas “Emerson” sa Batangas City at San Pascual; Alyas “Nep” sa bayan ng Taal, na sinasabing kasosyo ng isang retiradong pulis; Alyas “Medic” at “Egay” sa Brgy. Laguelle, Taal; Alyas “Manny” sa Tuy, Batangas; Ang Violago Group sa Brgy. Bancal, Carmona, Cavite; at ang magkasosyong Sammy at Alfred na may umano’y operasyon sa Brgy. San Luis, Guinayangan, Quezon.
Ibinunyag pa ng source na ayaw magpabanggit ng pangalan na posibleng may mga protektor o kasabwat na opisyal sa likod ng operasyon, dahilan kung bakit patuloy ang iligal na gawain sa kabila ng serye ng operasyon ng mga otoridad tulad ng CIDG.
Sa panig ng CIDG, tiniyak ng mga opisyal na patuloy ang kanilang imbestigasyon at operasyon laban sa mga natitirang personalidad na sangkot sa “paihi” trade sa CALABARZON region.
Hinimok din ng CIDG ang publiko na makipagtulungan at magsumbong ng mga impormasyon na makatutulong upang tuluyang masugpo ang iligal na kalakalan ng produktong petrolyo na hindi lamang nakapipinsala sa ekonomiya kundi nagdudulot din ng panganib sa kaligtasan ng mga mamamayan. (KOI LAURA)
