May 10, 2024

Malabo nang umupak ngayong taon si Sen. Pacquiao

Mukhang malabo nang makaupak sa lona ngayong taon si Sen. Manny Pacquiao. Alanganin na.

May sitsit na ilalaban sa kanya si Terrence Crawford at si Shawn Porter. Ume-eksena naman si Mikey Garcia.

Kulang na sa kasi sa preparasyon. Saka may banta pa ng COVID-19. Mahirap ang sitwasyon.

Malamang na sa Abril o Mayo next year uupak si Pacman.  Ang abangan natin ay ang boxing exhibition match nina Mike Tyson at Roy Jones Jr.

Matutuwa kaya tayo sa gagawin ng dalawang ito?

SINABI ni Blackwater Elite coach Louie Alas ang kagustuhan ni Calvin Abueva na makapaglaro na si PBA at matanggal na ang suspensyon sa kanya sa TOPS Usapang Sports Online. By: GERARD VILLOTA

                                                                           oOo

Pasok na sa Eastern Conference finals ang Boston Celtics. Hindi na natin idedetalye kung papaano. Alam na kasi ng lahat ‘yan.

Basketball lover ang mga Pilipino. Kaya, nakaabang tayo sa NBA playoffs. Gaya ng sinabi natin, nag-iba ang ihip ng hangin.

Iba talaga ang COVID-19. Maraming nasirang prediction. Akala nga ng iba, Bucks saka Raptors ang magtatapat sa Eastern finals.

Pero, anong nangyari? Sadyang unpredictable di po ba?

Sa Miami-Boston duel, siyempre, doon tayo sa kababayan natin coach. Kababayan natin  yun ‘e. Nawa’y maging maganda ang serye ng dalawa.