Sa paglipat ng F2 Logistic cargo Movers sa Premier Volleyball League, muling mabubuhay ang healthy rivalry.
Ito ay sa pagitan ng DLSU Lady Spikers at Ateneo Lady Eagles volleybelles. Para kay 5’11 Majoy Baron, exciting ang magiging laban sa PVL dahil pro league na ito.
“Ine-expect ko na mas magiging mataas yung level of competition since lahat nagsama-sama na sa isang league,” saad ng 25-year-old native ng Concepcion, Tarlac sa The Game
“Makakalaban din namin yung former opponent namin pati former friends at national teammates namin,”aniya.
Isa sa nais makaharap ni Baron ay ang kanyang sister-in-arm sa Philippine Women’s Volleyball Team. Ito ay si Lady Eagle at Choco Mucho volleybelle Maddie Madayag.
“Sila Maddie ‘yan. Mga friends natin from Ateneo,” sabi pa ng soft-spoken La Salle product. Huling nagharap ang dalawang towering spikers sa UAAP Season 80.
Kalaunan, naging magkakampi sa national team at naging magkaibigan. Tinatawag ng mga fans ang kanilang chemistry na ‘B*yag’.
Sa muling pagsisimula ng 2021 PVL Open Conference sa May 8, muli na namang maghaharap ang dalawa. Para naman kay F2 skipper Aby Marano, nagdiriwang ang volleyball community. Ito ay dahil sa nakamit na ang hinahangad na unity sa volleyball.
“Former opponents yung ibig sabihin ni Majoy. Lahat ng rival players namin sa college, kaibigan namin yan.”
“Bakbakan na talaga sa PVL,” saad ng binansagang ‘Tiyang Aby’.
More Stories
Marubdob na trabaho sa POC mas taimtim sa bagong taong 2025 – Tolentino
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
SBA Championship Week Game One… MANILA’S FINEST NIYANIG ANG TAGUIG!