May 3, 2024

LeBron James, Durant at Chris Paul, nangunguna sa pool ng USA Basketball para sa Tokyo Olympics

Kaugnay sa Tokyo Olympics, hinihilot na ng USA Basketball ang players na isasama sa line-up. Kabilang sa inilabas na pangalan sa list ay ang 15 players na nakasungkit na ng Olympic gold medals.

Kabilang na rito sina 3-time gold winner LeBron James. Gayundin si 2-time gold medalists Kevin Durant at Chris Paul.

Nasa list din sina Jimmy Butler, Harrison Barnes, DeMar DeRozan, Paul George at James Harden. Idagdag pa sina Anthony Davis, DeAndre Jordan, Kevin Love, Kyle Lowry.Kyrie Irving, Draymond Green at Russell Westbrook.

May interesado ring maglaro para sa Olympics. Ayon kay Kawhi Leonard, nais niyang maglaro kung healthy siya sa summer. Gayundin si Warriors star guard Stephen Curry.Napasama si Curry sa World Cup at nanalo ng gold. Pero, hindi pa nakasama sa olympoc games.

Kaugnay dito, wala nang gagawing try-outs. Otomatikong pipiliin ng USA Basketball ang 12-person Olympic team.Ang kanilang magiging barometer sa pagpili ay ang availability at health ng player.